Mang Arthur

arthurGreenbelt, 8 AM.

Me: Pasay po?
Driver: OK. (He wasn’t looking at me, instead his eyes were fixed at a police officer having an intense conversation with a foreigner). Ano kaya nangyari – kanina pa yan eh.

Me: (Deadma, I am not in the zone for gossips too early in the morning).
Meanwhile, our cab was on full stop next to a delivery van.

Driver: Anong basa diyan (pointing to the delivery van of Tous les Jours Bakery)?
Me: Naku Manong, day off ko ngayon, naka shutdown ako, di ko yan kaya basahin.

Driver: Alam mo ba na ang basa sa Cafe’ (see – ey – ef – ee apostrophe) ay ‘kaf’, hindi ka- fey? Kaya ang basa siguro diyan ay Tuu – le – Juu
Me: (Deadma pa rin pero in-affirm ko naman si Manong). Galing galing niyo naman pala eh.

Driver: Naku, di ko pala nababa ang meter.
Me: (Ayan kasi kung anu ano ang pinapansin).

Driver: Mahirap kumita pero hindi mahirap ang buhay, maganda ang buhay. Taga-Pasay ka ba?
Me: (Hmmm.. sige na nga kakausapin na kita). Hindi po. May pupuntahan lang ako. May recollection po ako.

Driver: Recollection ano yun? Parang sa simbahan yan ha. Sa simbahan lang ba puedeng gamitin ang salitang recollection? Anong kino-collect?
Me: (Bakit kasi nagsalita pa ako! Pano ba ito…). Recollection po yung i-ko-collect mo yung mga nangyari and naging experience mo ng mga nakaraang araw o linggo or buwan tapos…. (then he interrupted me…)

Driver: Ah parang ganito… alam mo ang mga anak ko at asawa ko iba ang relihiyon. Ako Katoliko pero wala lang, wala naman ako ginagawa, di ako nagsisimba. Pero alam mo may kwento ako sa yo. Nung Lunes na paalis na si Pope, nasa may Baclaran ako non eh, pauwi ako ng Imus. Tapos, wala akong masakyan kasi nakasara mga daan. Nakita ko ang mga tao naghihintay so nakihintay na rin ako. Tapos nakita ko si Pope, ang guwapo, malaking tao and mamula mula pa ang mukha. Alam mo ang naramdaman ko, para akong kinurot sa puso. Para akong bata na iiwan ng tatay niya. Di ko nga alam bakit ganon ang naramdaman ko. Yun siguro recollection ko. Yung kurot sa puso na naramdaman ko ng makita ko si Pope.

Me: (Si Manong pinapa reflect na ako wala pa ako sa recollection ko). Manong, malapit na po ako bumaba.

Bumaba ako at nagpasalamat kay Manong. Tiningnan ko ang ID card niya – Arthur ang pangalan niya.

During my recollection, I tried to recall and reflect on recent experiences na ‘kumurot sa puso ko’. These experiences are not necessarily painful or absolutely joyful, these are the experiences that either bring us to certain level of awareness or experiences that awakens something in us – that leaves us searching for more, or simply leaves us in awe …
Salamat, Mang Arthur. Today, kinurot mo ang puso at diwa ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s